• Breaking News

    Tuesday, May 3, 2016

    Allan Cayetano's Answer to Edwin Lacierda's Open Letter

    Here is the full answer of Cayetano to the Open letter of Edwin Lacierda:

    Sagot ni Alan Peter Cayetano sa bukas na liham ni Edwin Lacierda
    Mayo 2, 2016
    Edwin,
    Ako ay nagpapasalamat sa iyong bukas na liham. Ako'y natutuwa na sa gitna ng kampanya ay may panahon ka upang pagnilayan kung ano ang nakataya sa halalang ito. Ako ay naniniwala sa sinasabi sa Bibliya; kung ano ang itinanim mo, iyon din ang aanihin mo. Kaya kung ang tinanim ay krimen, droga at korapsyon, ang aanihin ay kahirapan at gulo. At iyan ang nararanasan ng bayan natin ngayon sa ilalim ng inyong pamumuno.
    Alam mo Edwin, sa loob ng limang taon, paulit-ulit kong pinapaalala sa administrasyon ang kahalagahan ng mga panukalang batas at programa na dapat isulong upang mapalakas ang ating mga demokratikong institusyon laban sa katiwalian. Nakakalungkot, dahil sa inyong “selective justice” at “selective anti-corruption campaign”, inyong napabayaang isakatuparan ang mga reporma para hindi na maulit ang mga pang-aabuso. Halimbawa, hanggang ngayon, nakabinbin ang Freedom of Information (FOI) Act at walang Witness Protection Act para protektahan ang mga nagbubunyag ng mga malawakang katiwalian.
    Mas malala, inyong napabayaang protektahan ang mamamayan sa kaguluhan at pang-aabuso. Hanggang ngayon, hindi mahuli-huli ang sindikato sa likod ng Tanim Bala. Ang MRT, matatapos na ang termino ninyo, hindi pa rin maayos-ayos. Araw-araw pa ring nabibilad sa init ng araw ang mga pasahero dahil sa haba ng pila at mala-impiyernong trapik. Matatapos na ang inyong panunungkulan, wala pa ring mga bagong plaka ang mga motorista.
    Ang National Capital Region (NCR), ang sentro ng bansa, ay nababalot sa krimen. Hindi na mabilang ang mga biktima ng “riding in tandem”, kidnapping, rape, akyat-bahay at drug trafficking. Sa Maynila lamang, halos lahat na ng mga barangay ay napasok na ng droga.
    Sa Kidapawan, ang mga namaril ng mga magsasaka ay hindi pa rin napaparusahan. Sa Quezon, ang Coco Levy Fund ay hindi pa rin napapakinabangan ng mga maliliit na magbubukid.
    Ang mga palpak at tiwaling opisyales ng inyong pamahalaan ay hindi pa rin napapalitan. Edwin, gaano ba ka espesyal sina Prospero Alcala at Jun Abaya at hindi ninyo matanggal sa kanilang pwesto?
    Pero imbes na tugunan ninyo ang mga problemang ito sa inyong nalalabing panahon sa gobyerno, kami ni Senator Koko Pimentel pa ang pinagtuunan ninyo ng pansin. Hinihingi ninyo na aming talikuran si Mayor Rodrigo “Rody” Duterte.
    Edwin, before forging our electoral tandem, I made it certain to know the good mayor well. I have visited his humble house. I have seen how his city of Davao takes the campaign against corruption seriously. And the truth is, while Mayor Duterte is far from perfect, he is not corrupt. The corrupt that you despise so much are hiding in the very government that you represent and defend.
    You and Senator Antonio Trillanes attempted to compare him to Vice President Binay. This is shameful. It is beyond the pale. Are you this madly desperate to vilify Mayor Duterte for the benefit of your presidential bet? Si Binay may hacienda sa Batangas, may mga dummy accounts at overpriced buildings. Napatunayan yan sa isang taong imbestigasyon ng Senado. Can you honestly say the same for Mayor Duterte?
    Before signing bank secrecy waivers became fashionable, as early as March 11, Mayor Duterte and I signed a waiver and sent copies to our rivals so they may do the same. Sadly, none of them, not even your candidate, heeded our request. Yet when Mayor Duterte became the target of a well-oiled negative campaign, your candidate suddenly became the champion of bank waivers. What grand hypocrisy!
    Yet, what I find most shameful is this: You try to justify the need to continue with your “Tuwid na Daan” governance by demonizing the people’s chosen alternative. You try to scare people of an uncertain and dangerous future. You and your ilk call Mayor Duterte a monster and label his supporters indecent. But really, where is the decency in a government that succumbed to incompetence, indifference, and corruption? In this sense, the monster that you brand Mayor Duterte to be is precisely the same monster that your failure has created.
    Fortunately, the people are no longer afraid. Almost six years of crime, illegal drugs and corruption have stripped them of fear. What is left is anger. They are fighting back.
    And even in their rage, the people are discerning, and they remain hopeful. As I write this, people are trooping to the banks, depositing five-peso coins to Mayor Duterte's accounts to shore his campaign. That spells trust and confidence in the leadership that Mayor Duterte offers, the very thing that your government has lost.
    So try again, try pa more. No amount of conspiracy, pagtutulong-tulong ng mga elitista at ng lahat ng mag nakikinabang sa gulo, krimen at korapsyon, ang bubuwag sa lakas ng mga mamamayang naghahangad ng pagbabago.
    Kami'y nananalig sa Panginoon, at nananalig sa ating mga kababayan; mananalo si Mayor Duterte, mananaig ang tunay na pagbabago.
    Alan Peter Cayetano

    Fashion

    Beauty

    Culture