You are here
Home > Current Events >

Mga Dapat Tandaan ng mga OFW sa Thailand During State of Emergency

THAILAND STATE OF EMERGENCY

WAG MAGPANIC!

Sa pagdeklara ng Thailand PM Prayut Chan-o-cha ng national state of emergency, marami ang natakot lalo na ang ating mga kababayan na mga OFW sa Thailand. Marahil marami ang nag-aalala paano nalang kung maglolockdown na nga ang buong kingdom. Ito po ang mga dapat tandaan sa panahon ng national state emergency sa Thailand:

Unang-una po sumunod sa mga patakaran ng gobyerno ng Thailand dahil kung hindi, maaari pong magkaroon ng problema kagaya ng multa o pagka bilanggo.

Dati nang may napatawan ng parusa o multa dahil sa paglabag ng quarantine regulation sa bansa. Isang dayuhan ang nagmulta ng 20k Baht dahil sa hindi pagsunod ng quarantine law o pagpapakita ng health certificate. Kaya naman mga kababayan natin sa Thailand, maaari lang pong sumunod sa mga patakaran at laging magbasa ng balita upang malaman ang dapat gawin.

Narito po ang mga dapat gawin tuwing state of emergency:

  • Bawal ang lumabas ng bahay, apartment or accommodation habang may ipinatutupad na curfew maliban na lamang kung kayo ay pinahihintulutan ng mga otoridad. Ang oras ng curfew ay hindi pa inilabas sa kasalukuyan.
  • Bawal ang malalaking pagtitipon.
  • Hindi rin pinahihintulutan ang maglabas o magpakalat ng mga Fake News o hindi biripikadong balita dahil ito ay magdudulot ng pagpanik ng mga tao. (Meron pong news censorship ang Thailand at tanging opisyal news lamang ang maaaring ilabas o ishare sa social medya.)
  • Bawal ang paggamit o pagpasok sa mga gusali (na nauna nang inilabas ng gobyerno)
  • Ievacuate ang mga tao sa mga lugar na ligtas at bawal na pumasok ang mga tao sa mga lugar kung saan ideklara ng gobyerno na bawal pasukan ng mga tao (kagaya ng malls, sports venue, etc.)

Mga dapat gawin during state of emergency

Bilang mga masunuring mamamayan po, maaari lang po nating sundin ang mga patakarang ito upang hindi tayo magkakaproblema habang tayo ay nasa Kingdom of Thailand.

Abangan po ang aming mga updates. Maraming salamat po.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Top