You are here
Home > Current Events >

Demonyo Umakyat sa Simbahan sa Italy? Totoo ba ito?

Kamakailan lang naging trending sa social media ang isang video ng isang kakaibang nilalang na umaakyat sa isang tuktuk ng isang simbahan na di umano ay sa Italy. Marami ang naniwala at nagshare ng video kaya naman kalat na kalat ito sa social media. Ngunit totoo ba ito?

Well, noong pagkatanggap ng aming team ng nasabing video, agad namin itong sinaliksik kung ito ay totoo o hindi. Sa panahon natin ngayon talagang marami ang naniniwala sa kung ano ang kanilang napapanood sa Facebook or sa Youtube kaya naman marami ang natakot sa nasabing video.

Napag-alaman namin na ang nasabing video ay hindi totoo at lalo na hindi sa Italy ang nasabing simbahan. Ang video ay isang Computer Generated Images lamang or CGI. Ang mga graphic artist na gumawa ng nasabing special effect ay gumamit ng special software na kagaya ng mga ginagamit sa mga pelikula kaya naman parang totoo nga ang pagkakuha sa video ngunit ito ay special effect lang.

Una naming tiningnan ang anino at ang structure ng simbahan at agad namin sinearch sa Google kung ito nga ba ay sa Italy. Nalaman namin na hindi pala ito sa Italy kundi ito ay simbahan sa Nicaragua na ang pangalan ay Granada Cathedral.

Panoorin po ang video sa ibaba.

 

Sa susunod, kapag kayo na nakakita ng mga video na kagaya nito, saliksikin muna ninyo bago kayo maniwala. Maraming salamat po.

 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Top