You are here
Home > Current Events >

USA nangunguna sa kaso ng COVID-19

Nangunguna na ngayon ang Estatos Unidos sa kaso ng COVID-19 ayon sa Johns Hopkins University.

Umaabot na sa mahigit 82, 400 na kaso ng coronavirus desease 2019 ang naitala sa United States ayon sa record ng John Hopkins University. Ito ay mas mataas kaysa sa kaso na nasa China na umabot lamang sa mahigit 81, 700 at mahigit 80, 500 sa Italy.

Sa buong mundo, may mahigit 120, 000 na ang nakarecover sa sakit na COVID-19 at mahigit 23, 000 ang mga namatay kung saan ang Italy ang may pinakamalaking bilang ng mga namatay.

Samantala, ang bansang Germany naman ang nangunguna sa may pinakalabilis na pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 na may mahigit 3, 300 na bagong kaso ayon sa worldometer.info.

Sa Pilipinas meron nang 707 total na kaso, walang naitalang bagong kaso ngunit ang mga namatay ay nasa 45 na habang ang nakakarecover ay nasa 28 na.

Pangalagaan po natin ang ating kalusugan at manatili sa ating mga tahanan. Sundin ang mga payo ng mga nasa otoridad upang maiwasan pa ang mas lalung malalang kaso sa ating bansa. Mabuhay po! #StayHome

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Top