You are here
Home > Current Events >

PAL, CEBU Pacific umaasang bumalik na sa normal ang operasyon

Umaasang babalik na sa normal ang operation ng Philippine Airlines at Cebu Pacific sa darating na May 16 pagkatapos ng extended enhanced community quarantine o EECQ.

Nakatakdang matatapos na ang EECQ sa darating na May 15 sa buong bansa kaya naman pagkatapos ng napahabang tigil lipad ng mga eroplano dahil nga sa banta ng covid-19 ay umaasa na itong makabalik sa normal ang kanilang operation.

Tiniyak naman ng pamunuan ng nasabing mga airlines na meron silang sapat na gloves,  goggles, masks,  at personal protective equipment or ppe na magamit ng kanilang nga crew habang nasa himpapawid.

Nag umpisang huminto ang operation ng lahat na sasakyang pamhimpapawid noong kalagitnaan ng Marso matapos nagdeklara ang pamahalaan ng travel ban sa boong bansa dahil nga sa covid-19.

PAL and Cebu Pac to operate normally soon

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Top