You are here

JOBLESS PINOY Shares: Totoong kwento ng isang OFW sa Philhealth benefits

Philhealth Contribution OFW

Maraming benefisyo ang Philhealth kung tutousin ayon yan sa mga nakapublish nilang guidelines. Ngunit ito ba ay tama na naibigay sa mga dapat makatanggap ng benefisyo o sa mga membro nitong nangangailangan sa pahanon na kailangan nila ng tulong?

Well,  first hand experience po namin ang aming ibabahagi sa article na ito.

Bago paman po ako naging OFW ay membro na ako ng Philhealth ng ilang taon pati na rin ang aking asawa ngunit dalawang beses lang namin itong nagamit noong na hospital ang tatay ko at panganganak ang aking asawa sa panganay naming anak.  Ang masaklap po ay kapag po mag aavail kayo ng Philhealth para sa hospitalization, hindi pwedeng dalawang Philhealth ang gagamitin at dahil member rin ang asawa ko,  napilitan kaming ipacut ang membership nya upang maging dependent ko nalang sya at ang mga naihulog na nya ay hindi na namin ito magagamit o mapakinabangan.

Sa paglipas ng panahon at naging OFW na ako,  nagbabayad parin po ako ng Philhealth kasi mandatory ito ngunit sa ikalawang pagkakataon na nabuntis ang asawa ko at sa panganganak ay gagamitin na sana namin ang Philhealth,  hindi na namin ito nagamit dahil naglapse lang ng isang buwan ang paghulog namin ng contribution.

Ganun nalang kabilis mawalang bisa ang membership mo sa Philhealth at hindi mo na magagamit kasi back to zero ka ulit at kailangan mo ulit maghintay o magbayad ng atleast amin na buwan bago mo ulit magagamit ito.

Sa mga nakaraang taon maraming mga anomaliya sa Philhealth at nagamit ang pundo nito sa hindi maganda na dapat ay mapupunta sa mga membro nito na nangangailangan kaya sa panahong ito na isinusulong ulit ang mandatory contribution para sa mga OFWs ay marami ang hindi sumasang-ayon. Isa na po ako doon.

3% sa bawat buwanang sahod ay subrang laki po ito kung tutousin.

Halimbawa kayo ay sumasahod ng 30,000 pesos isipin nyo 3% nito ay 900 pesos sa bawat buwan ang babayaran ninyo at sa buong taon ay nasa 10, 800 pesos din ang mawawala sa mga OFWs. Paano nalang kung masmalaki pa ang inyong sahod eh di masmalaki pa ang ikakaltas sayo?

Kaya para sa akin,  hindi ako papayag na gawing mandatory para sa mga OFWs ang pagbabayad ng Philhealth dahil kadalasan hindi namin nagagamit ang aming contribution sa panahong kailangan namin. At isa pa may sss naman po o insurance ang ibang mga OFWs sa ibang bansa na mas nagagamit nila tuwing naoospital sila kagaya nalang aming mga kakilala.

Maraming salamat po.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Top