You are here

Top Pulubi Transformation: Pulubi sa Palengke

Ang kahirapan sa buhay ay syang numero uno na dahilan upang marami sa mga kababayan natin ang makikita na palaboy-laboy sa kalye at nangunguha nalang ng mga basura upang may makakain. Kadalasan sa lansangan may makikita tayong nanglilimus.

Sa panahon natin ngayon kung saan nabubuhay ang karamihan sa atin sa hirap, may mga tao paring may busilak na puso upang tulungan ang ating mga kababayang naghihirap. Sa artikulong ito, ating ifefeature ang isa sa sinubaybayan nating channel sa YouTube na tumutulong sa mga mahihirap at isa sa kanyang mga video ay talaga naman kahanga-hanga. Panoorin ang video sa ibaba.

Unang nakita ng team ni Lorry Aquino ang isang mama na naka-upo sa isang sulok ng palengke at naghihintay na may aabot ng pagkain sa kanya. Binigyan naman ito ng team ng pagkain at simula noon, sinubaybayan nila ito at hinanap kung saan ito nakatira at isang araw ay nakita nila ito na nakatira sa isang bakanteng lote. Tinulungan ni Lorry at ng team nito na paliguan at bihisan ang mama at pinakain nila ito. Hanggang sa binigyan nila ito ng desenteng tirahan. Dalangin nila na manumbalik sa normal ang buhay ng isang pulubi na ang pangalan ay si Eduardo.

Sana po ay na inspired kayo sa artikulong ito. Maraming salamat po.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Top