You are here
Home > Herbal Medicine >

Natural na Paraan Upang Gamutin ang Ubo

Ang ubo ay bunga ng pagbabara ng daanan ng hangin sa ating lalamunan. Maaarin puno ng plema ang daanan ng hangin o may mga foreign objects na nakaharang dito kaya tayo ay umuubo. Karaniwang makati ang pakiramdam ng ating throat kapag tayo ay inuubo kaya kailangang matanggal ang mga bara nito upang guminhawa ang pakiramdam.at mahinto rin ang pag-uubo.

Maraming natural na paraan ang ating pwedeng gawin upang maibsan o maalis ang ubo. Ang natural na pamamaraan ay nirerecomenda sa mga taong malayo sa botika o clinic kung saan maaaring makapagpakunsolta sa mga espesyalista sa sakit na ito.

Sa artikulong ito, nais namin isishare ang natural na pamamaraan ng paggamot sa ubo. Narito ang mga pamamamaraan.

  1. Paggamot ng Tubig
    • Maaaring gumamit ng fomentation. Pomentohan ang likod at dibdib. Basahin po ang mga pamamaraan paano gawin ang pomentasyon.

Water Fomentation

    • Paglanghap ng singaw o steam. Ang paglanghap ng singaw o steam ay nakakaginhawa ng pakiramdam sa lalamunan o sa baradong parte ng daanan ng hangin. Maaari nyong basagin ang mga pamamaraan paano ito gawin.

  1. Halamang Gamot
    • Oregano

      Una sa ating listahan ng mga halamang gamot para sa ubo ay ang Oregano. Maaaring narinig nyo na ang halamang ito marahil isa ito sa pinakasikat na halamang gamot na hinahanap o nirerekomenda kapag tayo may ubo. Tama po. Napakaepektibo po ang halamang ito sa ubo.

Paraan ng paggamot:

      • Mag handa ng isang tasang tinadtad na sariwang dahon ng halamang oregano at pakuluan ito sa 2 basong tubig sa loob ng 15 minuto.
      • Ang pag-inom nito ay basi sa edad ng pasyente.
        • Para sa mga matatanda, uminom ng 1/2 tasa, tatlong beses sa isang araw.
        • Para naman sa mga bata (sanggol), 1 kutsarita, tatlong beses sa isang araw.
        • Para naman sa mga may edad – na taon, 2 kutsara, tatlong beses sa isang araw.
        • Para sa¬† taong gulang, 1/4 tasa, tatlong beses sa isang araw.
        • Kilangang gawin ito regularly hanggang sa mawala ang ubo.
    • Lagundi

Ang Lagundi ay isa rin sa pinagkakatiwalaan na nakakagamot sa ubo. Ang halamang ito ay may dahon na kagaya ng kamoteng kahoy. Kalimitang tumutubo ito sa tropical places kagaya ng Pilipinas at sa Southeast Asia. Ang dahon din nito ay kamukha ng dahon ng marijuana ngunit medyo malapad lang ng kunti.

Paraan ng paggamot:

    • Magtadtad ng 4 na kutsara ng tuyong dahon ng Lagundi o di kaya 6 nakutsarang sariwang dahon at pakuluan sa 2 basong tubig sa loob ng 15 minuto.
    • Ang paraan ng pag-inom ay depende sa edad ng pasyente.
      • Para sa mga matatanda, uminom ng 1/2 baso tatlong beses maghapon.
      • Para naman sa mga sanggol, 1 kutsarita, tatlong beses sa isang araw.
      • 2-6 na taong gulang, 2 kutsara tatlong beses sa isang araw.
      • 7-12 na taong gulang, 1/4 na tasa tatlong beses sa isang araw.

Kapag po malala na ang inyong karamdaman at hindi parin gumagaling sa pamamagitan ng herbal medicine, pumunta na kayo sa inyong doktor upang masuri ang inyong karamdaman. Maaaring hindi lang ito ordinaryong ubo at kinakailangan na iba pang gamot.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Top