You are here
Home > Current Events >

Paano makaiwas sa COVID-19

covid-19

Mas lalung tumatataas at lumalala ang kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Ang tanong ng marami, “Paano nga ba tayo makaiwas sa virus na ito?”

Dahil nga bago pa ang COVID-19 wala pang mabisang gamot laban dito at sa ngayon patuloy pa rin ang pagsasaliksik ng mabisang gamot kontra COVID-19.

Ngunit kahit wala pang lunas dito ay marami pa rin tayo pweding gawin upang mapigilan ang pagkalat nito sa ating bansa.

Kaya naman kabi-kabilaan rin ang mga tips na mababasa natin sa internet kung papano ito maiwasan.

Dahil ang COVID-19 ay naipapasa ng tao sa tao, mas mabisa pa rin na iwasan ang pagkakaroon ng malapitang contact sa mga tao na hindi mo natitiyak na carrier ng sakit na ito.

Kaya ito ang aming mga simple tips para makaiwas tayo sa COVID-19.

Personal Hygeine

Wala na yatang mas mabisa pa upang labanan ang COVID-19 sa personal na pag-iingat at paglilinis ng ating katawan. Ang mga virus at bacteria o anumang dumi ay nakukuha natin sa ating paligid at maaaring sumama sa ating mga damit saan man tayo magpunta kaya naman mas maigi na lagi tayong maglinis ng ating katawan lalung-lalo na ng ating mga kamay dahil ito ang laging nakakahawak ng dumi na pwedeng maging sanhi ng pagkakasakit.

Iwasan ang paghawak ng mukha, ilong, at bibig kapag marumi ang mga kamay. Maglagay ng tubig sa labas ng bahay upang sa ganun ay may magagamit na panghugas ng kamay o mga paa bago pumasok ng bahay. Ugaliin ring maligo pagkauwi ng bahay lalung-lalo na kung galing kayo sa mga lugar kung saan maaring may nakukuhang dumi, bacteria o virus.

Avoid Physical Contact

Iwasan muna ang direct physical sa kahit kanino lalung-lalo na sa mga taong nakakasalamuha sa labas. Hindi natin alam kung ang taong ating nakaksalamuha ay infected na ng COVID-19 kaya iwasan hanggat maaari ang pagkikipag kamay sa mga tao.

Imimungkahi rin sa ibang lugar na iwasan muna ang pag-mamano na tradition na ng mga Pilipino bilang pagpapakita ng paggalang sa mga nakakatanda. Sa panahon kung saan may banta sa kalusugan dulot ng COVID-19 ay iwasan muna ang mga tradition na ito. Hindi lang naman sa pagmamano naipapakita natin ang paggalang sa mga matatanda.

Social Distancing

Mas maigi rin na umiwas sa matataaong lugar at panatilihing malayo sa mga tao upang maiwasan ang pagdapo ng mga virus. Kapag ang isang tao na infected ng COVID-19 ay umubo o dumura o kahit magsalita, maaari nitong maipasa ang virus sa isang tao sa mga maliliit na particles ng laway na lumalabas sa bibig at ilong kaya inirerekomenda ang distance na isang metro. Sa mga pampublikong sasakyan at kahit saan mang lugar kailangan ang sapat na distansya upang mabawasan ang pagkapit ng virus kung sakaling ito ay maisama sa tumatalsik na laway o secretion na manggagaling sa infected person.

Iboost ang Immune System

Ang ating katawan ay may sariling tagapagtanggol laban sa mga pathogens or mga foreign objects at ito ay ang immune system.

Kapag tayo ay nagkakasakit, ang immune system ang syang lumalaban sa mga bacteria at viruses kaya kung mahina ang immune system, madali tayong kapitan ng sakit at manghihina ang iba pang parte ng ating katawan.

Sa panahon kung saan laganap ang COVID-19, kailangan mapanatili ang malakas na resistansya laban sa sakit na ito.

Kumain ng tama at masusustansyang pagkain kagaya ng mga prutas at gulay. Huwag kumain ng mga junk foods, matatamis,pag inom ng malamig at mamantikang pagkain. Kung maaari ay steam o blanch lang ang mga gulay upang hindi mamatay ang mga minerals na taglay nito. Sa mga prutas kailangan sariwa at siguraduhing hindi bawal kapag kayo ay may iba pang sakit. Halimbwa nalang kung kayo ay may diabetes, iwasan ang masyadong matamis na prutas at kung kayo ay may ubo, iwasan rin ang mga prutas na may alergens kagaya ng manga.

Laging Uminom ng Tubig

Huwag kaligtaan uminom ng sapat na tubig dipende sa inyong katawan. Normally hanggang dalawang litro ng tubig buong maghapon. Wagbiglaing inumin ang dalawang litro ng tubig. Uminom pagkagising sa umaga, bago mag-almusal, tatlompong minuto pagkatapos kumain, bago magtanghalian, at bago matulog. Walang oras kung kailan kayo iinom ng tubig basta makaubos kayo ng dalawang litro.

Wag mag alala kung kayo ay maiihi lagi dahil nililinis ng inyong katawan ang mga dumi at para ito maging malakas laban sa sakit.

Sa mga bata, mga isang litro ay sapat na sa buong maghapon dipende sa laki ng katawan.

Kapag kayo ay may sakit na bawal ang subrang tubig, maaari nyong tanungin ang inyong doktor sa recommended amount of water intake.

Matulog ng Sapat

Ang ating katawan ay napapagod din kaya kailangan natin itong ipahinga upang makapag-ipon ng lakas para sa susunod na mga activities. Matulog ng at least 7 hours sa mga matatanda at 9 to 10 hours sa mga bata.

Iwasan rin ang masyadong pagpupuyat dahil ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit bumababa ang ating immune system.

Tandaan ang ating katawan ay may sariling orasan at sa panahon na kailangan na nitong magpahinga kusa itong nagbabala kaya tayo ay inaantok. Dalawang oras bago mag hating gabi, ang ating katawan ay nagsisimulang magrepair ng mga sirang parti kaya mas maigi na matulog mula ala-9 ng gabi hanggang ala-4 ng umaga.

Ngunit karamihan sa atin ay hindi ito na susunod kaya marami rin sa atin ang madaling kapitan ng mga sakit. Kapag hindi naman ito maiiwasan, panatilihin ang 8 oras ng pagtulog araw-araw.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Top