TRENDING: Kotong cop level up collection via GCASH1 min read

Isang traffic enforcer nakuhanan ng cellphone video na tumanggap ng GCASH galing sa sinita nyang motorista.

Nag level na nga halos lahat ngayon dahil ayon sa video na pinost ni RG zerozerofour sa kanyang FB page makikita ang isang traffic enforcer na tumanggap ng GCASH mula sa isang motorista na hinarang nya sa daan.

https://www.facebook.com/NickFuentesFREEDOMfighter/videos/1075175786378617

Motorista: Pumasok na sir sa GCASH mo, yong ano?

Officer: Ha?

Motorista: Yong ano?

Officer: Ha? Oo, nag-ano na sya eh. Nakita ko na yong message nya eh….Denise Clarina ba pangalan noon?

Makikita sa video na nakabukas ang pinto ng sasakyan na hinarang ng officer.

Kung ano man ang totoong nangyari hindi natin alam dahil putol ang video at sa portion lang na iyon nakuhanan o ipinost.

Umani naman ng samot saring reaksyon ang nasabing post kagaya nalang nito.

 

Leave a Reply