You are here

Ang Kwento Ni Nanay Clarissa | Gustong Ipaampon Ang Dalawang Anak Part 2

Aling Clarissa Aga

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang kwento. Sinasabi nga na hindi matitiis ng mga magulang ang kanilang mga anak. Pero paano naman kung ang isang magulang ay walang kakayanan na tugunan ang pangangailangan ng kanyang mga anak dahil na rin sa may karamdaman ito. Ang kwento ni Aling Clarissa naiiba sa mga normal na kwentong buhay na ating napapanood sa TV o naririnig sa radyo.

Si Aling Clarissa Aga ay isa nang byuda, may karamdaman at may PWD na anak. Nais man nyang ibigay ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak ay hindi sapat ang lahat na paghihirap dahil rin sa kanyang kalagayan kaya naisip nyang ipaampon ang dalawa nyang anak upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Medyo matanda na rin kasi sya at may malubhang karamdaman.

Lumalaki ang kanyang tyan dahil sa komplikasyon sa bato at bituka. Wala syang kakayahang mag pagamot at sya ay umaasa lamang sa tulong ng iba. Panoorin po ang buong bidyo sa ibaba para sa part 2 ng ating kwento.

Para po sa mga gustong tumulong kay Aling Clarissa, maaari nyo po syang tawagan o itext sa kanyang number sa 0916-444-0081 / Clarissa M. Aga.

Courtesy of TechRam YouTube channel.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Top