You are here
Home > Current Events >

Mga Pasaway na Residente ng Quezon City Huli sa Paglabag ng Curfew Law

Isang daan at dalawampung (120) ka tao ang dinampot ng mga police sa Quezon City noong Marso 22, 2020 dahil sa paglabag ng ordinansya ng pamahalaan dahil sa COVID-19. Nagdeklara na kasi ang pamahalaan ng curfew sa lungsod ngunit marami pa rin ang hindi sumunod sa nasabing ordinansya. Ang ordinansyang ito ay alinsunod sa diniklarang enhanced community quarantine ni Pangulong Duterte dahil sa banta ng COVID-19.

Ang rason ng mga nahuli ay ang paglalaro ng online games sa labas ng kanila mga bahay dahil di umano nawalan sila ng signal sa loob ng kanilang mga tahanan. Ang ilan naman sa mga nahuli ay ang pakikipag inuman sa labas.

Ang mga nahuli ay mula sa anim (6) na barangay kabilang na ang Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth, Holy Spirit, Matandang Balara, at Payatas sa lungson ng Quezon City.

Ang curfew ay ipinatutupad mula ala-8 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga simula March 16, 2020 hanggang April 14, 2020. Ang enhanced community quarantine ay nagdidipende pa rin sa sitwasyon ng bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Top