You are here
Home > Current Events >

House Bill 6616 COVID-19 Bill Pasado na sa Congress

COVID-19 Bill No 6616 Philippines

Naaprobahan na po sa congress ang house bill no. 6616 o ang COVID-19 bill upang bigyan ng karagdagang kapangyarihan ang Pangulong Duterte na iaddress ang problema sa COVID-19. Sa bill na ito, maaaring magdeklara ang pangulo ng national emergency sa kasagsagan ng paglaganap ng sakit na COVID-19 sa Pilipinas. Ang kapangyarihan na ito ay mabisa lamang sa panahon ng outbreak at may mga limitasyon at restrictions. Kasama sa kapangyarihang ito ay ang posibleng pag realign ng funding sa 2020 budget at pag hahati nito sa mga ahensya ng goberno kaugnay sa pagtugon sa problema ng COVID-19.

Ayon din sa bill na ito, bibigyan ang ehekotibong sangay ng pamahalaan ng kapangyarihan upang bumili ng mga kailangan supply medical kagaya  ng mga personal protective equipment venues na maaaring gamitin bilang quarantine centers, at pati na rin mga kagamitan at mga serbisyo para sa mga kumunidad na apektado ng COVID-19.

Purpose din ng bill na ito ang bigyan ng kapangyarihan si pangulong Duterte na mag implement ng iba pang preventive measures upang mabawasan ang paglaganap ng sakit kasama na ang fast-tracking sa pagsusuri sa mga PUIs or PUMs o person under investigation and monitoring, regulasyon para sa mga private at public transport, regulasyon sa mga traffic sa mga lansangan, at upang ang mga local na pamahalaan ay susunod sa tamang procedure o standard na ipinatutupad ng community quarantine.

Ang nasabing bill ay tinalakay sa plenaryo kagabi at may boto na 284 pabor sa nasabing bill laban sa 9 no, ang bill ay successful na naipasa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Top