You are here
Home > Current Events >

Thailand Humaharap sa Masmapinsalang Virus Galing Italy

Matapos magkaroon ng coronavirus outbreak sa Wuhan China, nangunguna ang Thailand sa mga bansa kung saan nagkaroon ng COVID-19 infection ngunit ito ay nalagpasan na ng ibang mga bansa katulad ng South Korea at Italy.

Sa ngayon, nangunguna ang Italy sa may pinakamalalang kaso ng COVID-19 sa labas ng China kung saan umabot na sa mahigit anim na libo (6, 077) ang namatay dahil sa COVID-19.

Sa isang article post ng Thaipbsworld, isang pahayagan sa Thailand, kinakaharap ngayon ng bansa ang masmatinding klasi na virus na galing sa Italy. Ang sinasabing COVID-19 na ito ay mas aggressive kaysa sa COVID-19 na galing sa Wuhan China, lugar kung saan nagsimula ang outbreak.

Ang infection ay nagsimula sa limampung (50) boxing fans na galing sa Italy. Noong Marso 6, 2020 nagsimula ang paglaganap ng virus sa Thailand na nanggaling sa mga tao na dumalo sa isang boxing event sa Lumpini boxing stadium. Tinatayang ang bilang ng mga infected sa nasabing stadium ay mas marami pa sa 50 at ito ay dinala ng mga ito sa iba’t-ibang probinsya sa bansa.

Sa ngayon umabot na sa mahigit walong daan (827) na kaso ang naitala sa Thailand at ito ay nadadagdagan pa araw-araw dahil na rin sa ginagawang contact tracing ng mga otoridad.

Sa ngayon meron palang isang (1) namatay sa COVID-19 sa Thailand at 19 naman ang nakarecover sa sakit na ito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Top