You are here
Home > Current Events >

Thailand Under State of Emergency Amidst COVID-19 Crises

Thailand State of Emergency COVID-19

Nagdeklara na rin ng national state of emergency ang Thailand na magsisimula sa Huwebes, March 26, 2020 dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19.

Dineklara ni Prime Minister Prayut Chan-o-cha ang nasabing state of emergency ilang oras palang ang nakaraan. Sinabi ng Prime Minister na sapat na ang kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa upang mag deklara ng national state of emergency at magpapatupad ng curfew upang mapigilan pa ang pagdami ng mga COVID-19 cases sa bansa. Una nang nagdeklara ang pamahalaan ng mini-lockdown sa Bangkok, kapital ng Thailand, at pansamantalang isara ang mga matataong establisimento kagaya ng mga malls, restaurants, at public market. Bukas naman ang mga establisimento kung saan maaaring makabili ng pagkain at gamot ang mga mamamayan.

Hiniling ni PM Chan-o-cha na wag magpanic ang mga tao o wag magtravel palabas ng Bangkok upang hindi magkaroon ng congestion sa mga pangunahing kalsada sa bansa. Huwag din daw magimbak o mag hoard ng mga pagkain at kung ano pang importanteng items.

Meron naman B5, 000 assistance para sa mga manggagawa sa loob ng tatlong buwan.

Ang nasabing state of emergency ay kahalintulad ng community quarantine sa Pilipinas kung saan nililimitahan ang mga tao na lumabas ng kani-kanilang mga bahay o accommodation sa oras na ipinapatupad na ito ng pamahalaan maliban lamang sa mga importanteng transaction. Bawal na rin ang pagkakaroon ng public gathering at bawal rin ang pagkakalat ng fake news na magiging sanhi ng pagpapanic nga publiko. Bawal na rin pagpasok sa mga malalaking gusali.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Top