You are here
Home > Current Events >

Cebu Pacific nag-extend ng travel fund, free rebooking hanggang Hunyo 30

Good news po para sa mga pasahero ng Cebu Pacific air. Para po sa mga pasahero ng Cebu Pacific, nag-offer po ng extension ang Cebu Pacific para sa travel fund at free rebooking sa mga pasaherong apektado ng COVID-19 at ng enhanced community quarantine sa buong Luzon. Ang extension ay hanggang sa Hunyo 30 ng kasalukuyang taon.

Sinabi ng airline na ang lahat na may confirmed bookings sa lahat na domestic at international flights simula April 15 hanggang June 30 ay makakakuha ng:

  • Free Rebooking: Maaari nang magrebook ang mga na apektuhan ang flights na walang change fee or rebooking fee kaya lang maaaring may fare difference ito. Para maka rebook ng inyong flight, maaari lamang pumunta sa website ng Cebu Pacific at puntahan ang “Manage Booking“.
  • Travel Fund: Para naman sa mga gustong ilagay sa travel fund ang kanilang pera, maaari ninyo itong gawin hanggang Hunyo 30. Ang travel fund ay magagamit para sa mga susunod na mga booking. Valid naman ang Travel Fund sa loob ng 180 na araw at maaari itong gamitin para sa pag book ng ticket sa loob ng 12 buwan. Para gawin ang Travel Fund transaction pumunta lamang po sa official website ng Cebu Pacific at puntahan ang “Manage Booking” section ng kanilang website.

Para naman sa mga flights na nabook simula April 15 hanggang June 30 (regardless of travel date and route) ay kasali sa CEB Flexi for FREE. Ang CEB Flexi ay maaaring makapag rebook ng hanggang sa dalawang beses na walang bayad, subalit maaaring may fare difference ito. Para po sa detalye, basahin po ang statement ng airline.

May plano naman ang airline na magsisimulang mag operate ulit sa April 15.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Top